Madrona

Mga proyekto ng DOT na lalong magpapabuti sa turismo ng bansa Ikinagalak

Mar Rodriguez Oct 14, 2024
127 Views

Madrona1Madrona2BILANG isang masigasig at masipag na Chairman ng House Committee on Tourism. Nagpahayag ng kagalakan si Romblon Lone Dist. Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona makaraang ibahagi nI Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco ang plano ng ahensiya na pahusayin ang iba’t-ibang proyekto na isinusulong nito na lalong magpapabuti sa kalagayan ng Philippine tourism.

Para kay Madrona, sinusuportahan umano nito ang iba’t-ibang proyekto ng tourism department kabilang na dito ang mga imprastraktura at koneksiyon na naka-ugnay sa turismo ng bansa na inaasahang lalo pang magpapa-unlad sa Philippine tourism.

Kasabay nito, pinapurihan din ni Madrona si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. matapos nitong aprubahan ang National Development Plan na naglalagay ng primacy sa pagpapaunlad ng imprastraktura ng turismo na siyang pangunahing layunin ng naturang proyekto.

Paliwanag ng kongresista na malaki ang maitutulong ng mga isinusulong na proyekto ni Sec. Frasco upang mas lalo pang mapagbuti ang kalagayan ng turismo ng bansa sapagkat nakatuon ang mga ito sa pagpapalawak ng mga kalsada patungo sa isang tourist destination gaya ng tulay, mga pasalidad ng isang airport at iba pang mga lugar na naglalayong mapabuti ang accessibility at palakasin ang koneksiyon ng buong kapuluan.

Ipinahayag pa ni Madrona nakikipag-ugnayan din ang DOT sa mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department of Transportation (DOTr) upang maibalik at mapalawak ang mga international at domestic na ruta para gawing madali ang pagbiyahe ng mga lokal at dayuhang turista.

Samantala, pinangunahan ni Madrona ang inagurasyon ay blessing ng bagong paggawang Quarters ng Provincial Director sa ilalim ng pamumuno ni MIMAROPA Provincial Director Police Col. Rexton F. Sawi. Kasama na ang pag-turn over sa mga bagong body cameras at ICT Equipment.