Dy

Mga proyekto ni Dy sa Isabela, non-stop

Mar Rodriguez Aug 18, 2024
87 Views

Dy1Dy2Dy3𝗠𝗜𝗦𝗧𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗮𝗸𝘀𝗶𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗲𝗹𝗶𝗸𝘂𝗹𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱 𝗻𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗠𝗮𝗷𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝟲𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗙𝗮𝘂𝘀𝘁𝗶𝗻𝗼 “𝗜𝗻𝗻𝗼” 𝗔. 𝗗𝘆 𝗩 𝘀𝗮𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝘁 “𝗻𝗼𝗻-𝘀𝘁𝗼𝗽 𝗮𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻” 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮’𝘁-𝗸𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱-𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝗶𝗻𝗳𝗿𝗮𝘀𝘁𝗿𝘂𝗰𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗽𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁𝘀 𝗻𝗮 𝗶𝗻𝗶𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝘁𝗼.

Pinangunahan ng House Deputy Majority Leader ang inagurasyon at ribbon-cutting ceremony para sa kaniyang road concreting project sa Barangay Santa Monica Echague, Isabela na nagkakahalaga ng P9.7 milyon na inaasahang magdudulot ng malaking pakinabang para sa mga residente ng lalawigan.

Ayon kay Dy, inaasahan na mas magiging kombinyente at madali ang paglalakbay ng kaniyang mga kababayan dahil sa maayos at maaliwalas na kalsada sa Barangay Santa Monica partikular na para sa mga negosyante, magsasaka at mangingisda na nagluluwas ng kanilang mga produkto sa bayan sa pamamagitan ng tinatawag na “farm-to-market road”.

Sabi ni Dy, sinisikap nitong maisa-ayos ang mga kalsada sa kanilang lalawigan para maging madali ang pagbibigahe ng mga pangunahing produkto mula sa mga liblib na lugar patungo sa bayan.

Kabilang narin dito ang pagiging “access road” ng mga nasabing kalsada para naman sa mga biyahero at motorista.

Dahil dito, ipinabatid pa ng kongresista na ang bagong kalsada sa Barangay Santa Monica ay iilan lamang sa mga nakahilera nitong proyekto o mga infrastrure projects na naglalayong magbigag ng malaking kahingawahan at pakinabang para sa kaniyang mga kalalawigan.