Calendar
Photo source: Philippine Red Cross
Mga residente ng Albay pinayuhang sumunod sa safety advisories
HINIMOK ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang mga residente ng Albay na sundin ang mga safety advisories habang patuloy na nakaaapekto ang ashfall at pyroclastic density currents dahil sa pagtaas ng aktibidad ng Bulkang Mayon.
“Nakikiisa ako sa ating mga kababayan sa Albay sa gitna ng patuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon.
Hinihikayat ko ang lahat na sundin ang mga abiso ng mga awtoridad at unahin ang kanilang kaligtasan,” sabi ni Escudero.
Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pyroclastic density currents sa Mi-isi Gully sa south hanggang southwestern slopes ng Mayon habang nananatili ang alert level 3 na nangangahulugan ng intensified o magmatic unrest.
Nagpakita rin ang Mayon ng lava effusion, na may lava flows sa Basud Gully, Bonga Gully at Mi-isi Gully, ayon sa PHIVOLCS.
Sinabi ng ahensya na dapat manatiling off-limits ang six-kilometer Permanent Danger Zone habang dapat iwasan ng mga eroplano ang paglipad malapit sa bulkan.
Nagbabala rin ang PHIVOLCS sa posibleng hazards kabilang ang rockfalls, landslides o avalanches, ballistic fragments, lava flows, lava fountaining, pyroclastic density currents, moderate-sized explosions at lahar kapag umulan.
Naiulat ang ashfall sa ilang bahagi ng Legazpi City at sa Camalig, Guinobatan at Daraga.
Pinayuhan ang mga residente na manatili sa loob ng bahay, isara ang mga bintana at pinto, at gumamit ng face masks o basang tela bilang proteksyon.
Mahigit 300 pamilya ang lumikas matapos maapektuhan ng ashfall ang mga komunidad malapit sa Mayon.
Hinimok ni Escudero ang publiko na manatiling vigilant at umasa lamang sa opisyal na updates mula sa PHIVOLCS at local authorities.

