Calendar
Mga sangkot sa “road rage” may naghihintay na parusa, kulong
SIGURADONG may kalalagyan na ang mga drivers na napakadaling mag-init ang ulo o mapikon sa lansangan na kalimutan ay nauuwi pa sa malagim na sakuna o trahedya sa pamamagitan ng “road rage”.
Ito ay matapos ihayag ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party List Cong. Erwin T. Tulfo na mabigat na kaparusahan ang maaaring kaharapin ng mga motoristang sakot sa insidente ng “road rage” o karahasan sa lansangan sa pamamagitan ng 12 taong pagkakakulong.
Sinabi ni Tulfo na batay sa isinagawang deliberasyon ng House Committee on Transportation na pinamumunuan ni Antipolo City 2nd Dist. Cong. Romeo Acop kaugnay sa inihain nitong House Bill No. 8991. Napagkasunduan aniya na itaas sa 12 taon ang parusa laban sa mga bayolenteng motorista.
Ayon kay Tulfo, ang kaniyang panukalang batas na “Anti-Road Rage Act” ay nagsasaad na ang sinomang motorista na sangkot sa road rage na nagresulta sa kamatayan ng kapwa nito motorista ay makukulong ng anim hanggang 12 taon at pagmumultahin ng P250,000 hanggang P500,000.
Binigayng diin ng Party List solon na sa kabila ng napakaraming insidente o hindi na bilang na kaso ng road rage. Illan pa lamang ang napaparuhan at napapanagot sa kanilang ginawang krimen. Habang ang iba pang mga kaso ay kasalukuyan parin nakabinbin sa mga Hukuman.
“We are all aware that the consequences of road rage are dire, often resulting altercations, property dmages, assults and collisions that cause physical injuries even death. Despite all these, there is no existing legislation that imposes penalties on those who exhibited road rage,” sabi ni Tulfo.
Samantala, sinusuportahan din ni Davao de Oro 2nd Dist. Cong. Ruwel Peter Gonzaga, naghain din ng kahalintulad na panukalang batas (House Bill No. 9140), ang HB No. 8991 ni Tulfo kung saan iminungkahi nitong pag-isahin na lamang ang kanilang mga panukalang batas o “i-consolidate”.