Calendar
Mga senador dapat di magpahayag ng biased na pahayag sa impeachment
SINABI ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson na dapat iwasan ng mga senador ang mga pahayag o kilos na maaaring magdulot ng tanong sa kanilang pagiging patas kung maipadala sa Senado ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Lacson, magsisilbing senator-judges ang mga senador kung magtitipon ang Senado bilang impeachment court, kaya kailangang magpasya sila batay sa ebidensiya at sa umiiral na mga patakaran.
Sinabi ni Lacson na hindi dapat magbigay ng impresyon ang public statements ng mga senador na pumapanig sila sa prosecution o sa defense.
Ayon sa kanya, dapat iwasan ng mga senador ang paghusga nang maaga sa kaso dahil maaari silang bumoto kalaunan sa articles of impeachment.
Sinabi rin ni Lacson na ebidensiya at impeachment rules ang gagabay sa kanyang boto kung umabot sa trial ang kaso.
“I will follow what the evidence says. I will follow the rules,” ani Lacson.
Ang pahayag ay ginawa habang patuloy na tinatalakay ng Senate leaders ang posibleng proseso kung maipadala sa kapulungan ang impeachment case.
Sinabi ni Senate President Vicente C. Sotto III na hihintayin ng Senado ang aksyon mula sa House of Representatives bago umusad sa impeachment process.

