Quiboloy

Mga solon gigil na manumpa si Quiboloy na magsasabi ng totoo

121 Views

GIGIL ang mga kongresista sa panunumpa ng televangelist na si Pastor Apollo Quiboloy na masasabi ito ng totoo sa pagdinig ng Kamara kaugnay ng panukala na ibasura ang prangkisa ng Sonshine Media Network International (SMNI).

Itinatanggi ni Quiboloy na mayroon itong kinalaman sa operasyon ng SMNI na taliwas sa mga dokumento na napasakamay ng mga kongresista.

Matapos na hindi dumalo sa mga nakaraang pagdinig, nagpalabas na ng subpoena ang House Committee on Legislative Franchises laban kay Quiboloy, ang lider ng Kingdom of Jesus Christ.

Itinulak ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas na maipatawag si Quiboloy sa pagdinig kung saan inaasan na panunumpain ito na magsasabi ng totoo.

“We have several questions for Pastor Quiboloy. I think it’s about time that we called for Pastor Quiboloy to come here and answer our questions, our specific questions because last time, we already requested this,” giit ni Brosas.

Ayon sa mga abugado ng SMNI walang kinalaman si Quiboloy sa araw-araw na operasyon ng SMNI at ito ay isa na lamang honorary chairman.

“Pastor Apollo Quiboloy is the honorary chairman of SMNI and he’s not part of the day-to-day operations of SMNI,” ani Mark Tolentino, abugado ng SMNI

Pero ipinunto ni Brosas na kapansin-pansin ang pananatili ng presensya at impluwensya ni Quiboloy sa lahat ng programa ng SMNI.

“Heads of agencies come here in Congress to answer our important questions. Maybe it’s about time to have him sit down and face us so we could ask our questions directly to Pastor Quiboloy because these cannot be answered by just a lawyer,” sabi pa ni Brosas.

Pumabor naman si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa sinabi ni Brosas at itinulak nito ang pagpapalabas ng subpoena kay Quiboloy.

“We have already invited (Quiboloy) not only once but on several occasions, Pastor Quiboloy to attend this hearing, considering that there are so many issues that need to be clarified, most of all his name which is in Swara Sug,” sabi ni Pimentel.

Iginiit ng mga mambabatas ang kahalagahan ng pagharap ni Quiboloy sa pagdinig upang masagot nito ang mga tanong.