Suspek

Mga suspek sa gahasa sa Ecija, Laguna nadakma ng mga parak

12 Views

CAMP GEN. Miguel Malvar, Batangas — Huli ang suspek sa panghahalay sa Batangas noong Huwebes sa Brgy. Patola, Talugtug, Nueva Ecija.

Bandang alas-3:50 ng hapon naaresto ang suspek sa tatlong bilang ng panggagahasa na si alyas Edgardo, sabi ni Batangas police director P/Col. Jacinto Malinao.

Bukod dito, sinampahan din siya ng mga kasong acts of lasciviousness sa ilalim ng Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).

“Ang pag-aresto na ito nagmamarka ng isa pang makabuluhang tagumpay sa aming pinalakas na kampanya laban sa mga takas,” sabi ni PCol. Malinao.

Nanghalay arestado sa Laguna

Samantala, hindi na nakapalag ang isang lalaki ng arestuhin ng mga pulis dahil sa dalawang counts ng rape sa Brgy. Puypuy, Bay, Laguna, noong Biyernes.

Nakilala ang arestadong suspek na si alyas Renato na dinampot ng mga elemento ng Bay police.

Hinuli siya dahil sa dalawang counts ng rape sa tulong ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Alberto Serrano, Presiding Judge ng RTC Branch 92, Calamba City, Laguna.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng suspek na nakapiit na sa Bay police station. Nina JOJO CESAR MAGSOMBOL & GIL AMAN