Calendar
Mga vice mayor umaasang kasama sa Unang Sigaw ng Nueva Ecija
SAN ANTONIO, Nueva Ecija–Naglalambing ang vice mayor na kasapi sa Vice Mayors’ League of the Philippines-Nueva Ecija chapter na sana’y makasama din silang mga vice mayor sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija tuwing Setyembre 2.
Sinagot ni San Antonio Vice Mayor Arvin C. Salonga, pangulo ng VMLP-NE chapter ang hiling.
“Makakarating sa ating gobernador, Gov. Oyie Matias Umali ang nasabing suhestyon,” ayon kay Salonga.
Isa ito sa naging paksa ng grupo sa kanilang 4th Special Executive Meeting sa session hall ng Sangguniang Bayan noong Setyembre 9.
Biglang nagbago ang ihip ng hangin at binawi ng nasabing vice mayor ang kanyang panukala at nagpahiwatig na ibig na lang niya makausap ang gobernador.
Kabilang sa dumalo sina Nestor L. Alvarez, Vice President (Science City of Muñoz), Edwin A. Buendia, Secretary (Zaragosa), Jhelyn Domingo-Velasco, Asst. Secretary (Santo Domingo), Victorino V. Sabino, Treasurer, (Gabaldon), Roberto T. Agdipa, Asst. Treasurer (Pantabangan), John Carlo P. Dizon, PRO (Guimba), Atty. Melvin S. Pascual, Asst. PRO, (General Tinio), Romaric S. Capinpin, Asst. Auditor (Palayan City) at Floro C. Pagaduan Jr., Sgt. at Arms (Talugtug).

