Rep. Romero

Milka Romero naninindigan na dapat i-regulate socmed platforms

Mar Rodriguez Apr 20, 2025
94 Views

Rep. Romero Rep. Romero Rep. RomeroBILANG nangungunang tagapagtanggol at advocate ng mga kabataan, naninindigan si 1-PACMAN Party List Representative First Nominee Mikaela Louise “Milka” Romero na dapat na talagang ma-regulate ang mga social media platform upang makontrol ang paglaganap ng mga fake news sa social media na pawang mga kabataan ang nagiging biktima.

Pagbibigay diin ni Milka Romero na bagama’t mayroon ng pinaiiral na polisiya ang Meta na siyang may-ari ng FaceBook, hindi naman ito sapat sapagkat patuloy pa rin ang paglaganap ng mga maling impormasyon sa social media.

Sabi pa ni Romero na dahil ang pagkalat ng mga fake news ay isang global issue, mahalagang gayahin o gawing pattern ng Pilipinas ang patakaran ng pag-regulate ng ibang bansa sa mga social media platform kontra fake news.

Para kay Romero, dapat sigurong magkaroon ng isang panukalang batas na hindi lamang maglalayong labanan ang mga naglipanang fake news. Bagkos, ang pagsawata sa pamamaraan ng pagkalat nito sa online.

Samantala, nabatid din sa anak ni Cong. Mikee Romero na naging game na game ang pagbubukas ng SK Sports League sa Barangay Pulong Sta. Cruz, Santa Rosa, Laguna.

Ayon kay Milka Romero, layunin ng ginanap na SK Sports League na hikayatin ang mga kabataang Pilipino na maging aktibo sa sports at iba pang mga aktibidad.

To God be the Glory