Calendar
MinOr gob nanguna sa libreng serbisyo publiko
CALAPAN CITY, ORIENTAL MINDORO–Pinangunahan ni Gob. Humerlito “Bonz” Dolor ang paghahatid ng libreng serbisyo publiko ngayong araw sa Bulwagang Panlalawigan, Provincial Capitol dito sa lungsod.
Sa temang “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat,” tiniyak ni Dolor ang pagtutulungan ng pambansa at lokal na pamahalaan upang maihatid ang mga serbisyo nang direkta sa mamamayan ng Oriental Mindoro.
Ang Department of Health (DOH) may serbisyong YAKAP at libreng oral health services.
Ang National Bureau of Investigation (NBI) may libreng online clearance registration and processing sa unang 200 aplikante.
Ang Provincial Legal Office (PLO) may Libreng Legal Consultation, Libreng Medical Check-Up, Libreng Notarization of Qualified Affidavits at Libreng Drafting of simple affidavits.
Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) nagpoproseso ng mga permit gaya ng Environmental Compliance Certificate at namahagi ng binhi
Mayroon ding P20/per kilo na bigas.

