Dolor

MinOr gov binatikos, rumesbak

Helen D. Prado Sep 12, 2025
295 Views

SINAGOT ni Oriental Mindoro Gov. Humerlito “Bonz” Dolor ang mga batikos sa kanya tungkol sa mga umano’y anomalya sa ilang proyekto ng pamahalaan sa lalawigan na kanyang ibinubunyag.

Iginiit ni Dolor na hindi siya titigil sa pagbubunyag ng katiwalian sa kabila ng mga akusasyon laban sa kanya.

“Bakit tila masama na ang pagbubunyag sa korupsyon? Sa mga nagdaang linggo ng pagbubunyag natin ng mga anomalyang flood control projects sa lalawigan, bakit tila ako pa ang masama?” tanong ni Dolor.

Tinatawag si Dolor na “feeling artista,” “takaw air-time” at “pasikat” ng kanyang mga kritiko.

Mayroon pa raw nagsasabi na ginagawa niya ito dahil gusto niyang tumakbo sa mas mataas na posisyon.

Nilinaw ni Dolor na ang isyung ito ay hindi tungkol sa pulitika, kundi isyu ng bayan na dapat malaman ng bawat mamamayan.

Panata ng gobernador na patuloy siyang magiging boses ng mamamayan laban sa korupsyon at katiwalian.