cavSU Pinangunahan nina Mayor Denver Chua (2nd sa kanan), Vice Mayor Raleigh Rusit (4th sa kaliwa), city officials at Campus Administrator Prof. Maria Cristina J. Baesa (gitna) ang inauguration ng bagong school campus sa Cavite.

Bagong campus ng CavSU open na

Dennis Abrina Sep 12, 2025
280 Views

CAVITE CITY – Binuksan ang Unlad campus ng Cavite State U (CavSU) sa Barangay 28 ng siyudad na ito noong Setyembre 11.

Pinangunahan nina Mayor Denver Chua, Vice Mayor Raleigh Rusit at Prof. Maria Cristina J. Baesa ang inauguration at blessing ng 4-storey, 18 classrooms state university.

May isang medical laboratory, isang computer laboratory, library at nursing skills laboratory, at auditorium din ang bagong school building.

Fully air-conditioned ang lahat ng classrooms at may 65-inch Smart TV para mas komportable at modernong pagtuturo sa mga estudyante, ayon sa mayor.

“Hindi na lang isang pangarap ang dating tila impossible, ngayon ay nangyari na,” sabi ni Chua.

Ang bagong gusali ay kayang mag-accommodate ng mahigit 1,500 estudyante.

Ayon kay Rusit, naniniwala siya na sa pagbubukas ng Unlad building, lalo pang lalakas ang kalidad ng edukasyon sa lalawiagan.