Foreign currency na hindi idineklara nasabat sa NAIA
Feb 27, 2025
Mas mahigpit na seguridad ipapatupad sa Malacanang
Feb 27, 2025
Good girl na may attitude
Feb 27, 2025
Calendar
Metro
Misis ipinakulong ni mister, nahuling may kasamang lalaki
Melnie Ragasa Jimena
Apr 21, 2024
153
Views
IPINAKULONG ng 33-anyos na mister ang kaniyang misis matapos na mahuling may kasama umanong ibang lalaki sa isang motel sa Quezon City nitong Sabado ng hapon.
Knireklamo ng adultery at unjust vexation ang 34 anyos na misis at ang diumano’y kalaguyo nito.
Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Masambong Police Station 2, bandang 2:00 ng hapon (April 20), nang mahuli ang magkalaguyo sa Room S-105, Toffes Hometel sa No. 51 West Ave., Brgy. Paltok, Quezon City.
Batay sa imbestigasyon ni P/MSg Babes Bien O Santos, napansin umano ng mister ang mga kakaibang ikinikilos ng misis nitong mga nakaraang araw.
Dahil dito, nagpasyang sundan ni mister ang misis at nang makita itong pumasok sa nasabing hotel ay agad na nagpasaklolo sa mga opisyal ng Brgy. Paltok, dahilan upang arestuhin ang sinasabing magkalaguyo.
Nakapiit na ang mga suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.
Foreign currency na hindi idineklara nasabat sa NAIA
Feb 27, 2025
Tsino, 14, na kinidnap, nasagip ng PNP sa Paranaque
Feb 26, 2025
Lolo, lola lumahok sa Kasalang Bayan sa Pasay
Feb 26, 2025
NBI nasamsam P121M pekeng LV bag sa Cavite
Feb 26, 2025