Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025
Napolcom magbibigay ng PESE certificates
May 9, 2025
Calendar

Provincial
Misis patay sa pananaksak ng mister
Zaida Delos Reyes
Nov 28, 2024
142
Views
PATAY ang isang misis matapos na saksakin umano ito ng kanyang mister nang tumanggi itong bumili ng alak para ituloy ang paglalasing sa Talacogon, Agusan del Sur.
Nakilala ang biktima na si Sweetie Morgadez, 24, at residente ng Barangay Good Grace sa nasabing bayan.
Pinaghahanap ng PNP ang suspect na si Arkajames Loyola, barber, at residente din ng lugar.
Batay sa ulat ng PNP naganap ang insidente nitong Miyerkules ng gabi sa tahanan ng mag-asawa.
Ayon sa ulat, nagpapabili ang suspect ng alak sa biktima subalit tumanggi ito dahil sa kalasingan.
Dahil dito, nagalit ang suspect at inundayan ng sunod-sunod na saksak ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito.
Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspect.
Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025
Naaagnas na bangkay ng kelot nakita sa basement
May 9, 2025
Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025