Misuse of confidential funds presentation ni VP Sara magsisimula na

98 Views

NAKATAKDANG magsimula ang House prosecution expects sa presentation ng mga evidence sa misuse of confidential funds ni Vice President Sara Duterte, ayon kay House prosecutor Terry Ridon.

“Matatapos na rin ang threats article sa darating na Martes,” ayon sa kongresista.

Nauna nang sinabi ni NBI director Melvin Matibag ang investigation sa mga statements tungkol sa mga Duterte at kung may continuing threats laban kina President Ferdinand R. Marcos Jr. at kanyang family.

“Hopefully, matapos ang direct at cross ni Director Matibag ng NBI sa araw na iyan,” sabi ni Ridon.

Kung matatapos ang examination kay Matibag sa Martes, tuloy na ang prosecution sa pagtalakay sa confidential-funds.

“Ito na po iyong confidential funds misuse article. Nakapagtakda na po ng ilang witnesses for Wednesday.

Hopefully, maisalang na po namin on Wednesday ang unang mga testigo,” sabi ng kongresista.

“Pag-uusapan doon ang PSA report na wala pong pinanganak, namatay o kinasal na Mary Grace Piattos, Milky Secuya at iba pang mga pangalan sa listahan ng recipients ng confidential funds ng Office of the Vice President,” paliwanag ni Ridon.

Idi-discuss din ng prosecution panel ang mga pirma na nakasulat sa mga acknowledgement receipts na ginamit sa distribution ng mga funds.

“Sinabi po roon na parang isang grupo—ilang tao lang—ang pumirma sa kalakhan ng acknowledgement receipts ng confidential funds na natanggap ng mga tao.

Iyong 2022 confidential funds, it has attained finality at the level of the Commission on Audit proper. Pinapasoli ang Pangalawang Pangulo ng ₱73 million para dito sa confidential funds misuse ng 2022,” sabi niya.