Valeriano

MMDA ginisa sa pagdinig ng Committee on Metro Manila Development

Mar Rodriguez Aug 2, 2024
94 Views

Valeriano1Valeriano2๐—ฆ๐—” ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ผ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—ผ๐—ป ๐— ๐—ฒ๐˜๐—ฟ๐—ผ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ป๐˜‚๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐—ฅ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ “๐—–๐—ฅ๐—ฉ” ๐— . ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ i๐˜๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ฟ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฒ๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—ฝ๐—ผ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—”๐˜‚๐˜๐—ต๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐˜† (๐— ๐— ๐——๐—”) ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ’๐˜-๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฒ๐˜๐—ฟ๐—ผ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฎ.

Sa nasabing House investigation, mistulang ang pamunuan ng MMDA matapos silang uriratin ng mga kongresista patungkol sa nangyaring pagbaha sa iba’t-ibang lugar sa National Capitol Region (NCR) habang nananalanta ang super typhoon Carina.

Ayon kay Valeriano, sinikap nilang saliksikin ang totoong dahilan kung bakit nagmistulang karagatan ang ilang bahagi ng Metro Manila bunsod ng napakalaking baha kabilang na dito ang Marikina City, City of Manila, Quezon City, Pasig City at Caloocan.

Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na lubhang nakaapekto sa natural na pagdaloy ng tubig patungo sa Manila Bay ang pag-apaw ng Tullahan river at pang river systems kung kaya’t nagkaroon ng matinding pagbaha sa Metro Manila.

Sabi pa ni Artes, malaki din aniya ang naging epekto ng pag-apaw ng La Mesa Dam, ang pagpapakawala ng tubig sa Ipo at Bustos Dam sa Bulacan. Kabilang na dito ang high tide sa Manila Bay at pagkasira ng navigational gate na makakatulong sana sa mga Lungsod ng Malabon at Navotas.

Nabatid kay Valeriano na iprinisinta sa pagdinig ng Committee on Metro Manila Development na umabot sa 471 millimeters ang ibinuhos na ulan na maihahambing aniya sa isang isang bilyong drum ng tubig na hindi naman kakayanin ng pump capacity na ang kapasidad ay 123 million drums lamang ang kapasidad.

Dagdag pa ni Valeriano na sa 71 pumping stations na kasalukuyang pinapatakbo ng MMDA ay 26 ang kinakailangang sumailalim sa rehabilitasyon.