Artes

MMDA nagbukas ng bagong MBRS

Edd Reyes May 9, 2025
15 Views

NANGUNA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes sa inagurasyon at ribbon cutting ng panibagong Motorcycle and Bicycle Repair Station (MBRS) noong Biyernes sa EDSA.

Matatagpuan ang repair station sa ground level ng EDSA-Quezon Avenue flyover sa Quezon City. Kumpleto sa mga kagamitan at vulcanizing para sa pagkukumpuni ng mga konting sira ng motorsiklo at bisikleta,

“Aligned with President Ferdinand Marcos Jr.’s agenda for infrastructure development, the MMDA MBRS is part of several initiatives aimed at improving the infrastructure and safety measures for the growing number of motorcycle riders and bikers in Metro Manila,” sabi ni Artes.

Dagdag pa niya, ang bgong infra pwedeng pansamantalang lay-by area para sa riders at siklista na nagkaroon ng problema sa kanilang sasakyan, silungan kung umuulan at iba pang emergency habang nasa daan.

Bukas mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.

Sa kasalukuyanm mayroon pang dalawang MBRS sa may Ortigas-Robinsons Galleria sa EDSA at sa Quezon Avenue sa harap ng head office ng DILG bukod pa sa MMDA Bike Lane Program Office na may tatlong repair stations sa Roxas Boulevard; Commonwealth Avenue sa Quezon City; at Ortigas Avenue in Pasig City.