Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
MMDA

MMDA pinaganda May Huli Ka website

Edd Reyes Dec 6, 2025
356 Views

INILUNSAD ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga bagong katangian ng “May Huli Ka” website para sa No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagbutihin ang pagkakaloob ng serbisyo sa publiko gamit ang digital innovation ang hakbang na ito.

Makikita na ngayon sa mayhulika.mmda.gov.ph ang patunay kung may nalabag sa batas trapiko ang motorista kapag ipinasok ang kanilang plate number at motor vehicle file number.

Mayroon ding E-Contest sa website para sa mga motoristang nais labanan ang ipinataw na violation at hintayin na lang ang abiso sa kanilang email address na ipapadala ng opisyal ng MMDA Traffic Adjudication Division (TAD) na tutugon sa reklamo.

“With the new features made available in the May Huli Ka website, motorists can now check on their records anytime and anywhere as we continually improve on the system and make it more inclusive,” sabi ni Atty. Artes.

Lumagda rin ang MMDA sa kasunduan sa G-Xchange Inc. o GCash upang maging madali na lamang ang pagbabayad ng multa ng mga motorista.

Ayon kay GCash Business Head Edgardo Layug, ang pagpasok nila sa kasunduan ay pagtupad sa hangarin na maging madali para sa mga Filipino ang pagbabayad at sa halip na P12 convenience fee kada transaksyon, ibinaba na nila ito sa P7.