Calendar
P1.36M shabu nasamsam sa 3 ‘tulak’, lider na babae
LUMAGPAK sa kamay ng mga alagad ng batas noong Biyernes sa Taguig City ang apat na hinihinalang tulak na pinamumunuan umano ng babae na huli sa aktong may dalang P1.36 milyon na shabu.
Nakumpiska ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) acting director P/BGen. Randy Arceo sa umano’y lider ng gang na si alyas Geng, 28, at mga kasabwat na sina Gabriel, 32; Ronel, 38; at Fahad, 30, ang shabu haul.
Mahigit isang linggong minanmanan ng mga tauhan ni P/Maj. Cecilio Tomas Jr., hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng SPD ang mga suspek bago kumagat sa alok na P50,000 na bibilhing shabu ng pulis na nagpanggap na buyer.
Nang isagawa ang buy-bust sa Brgy. New Lower Bicutan, nakumpiska ng mga pulis ang 200 gramo ng shabu, android phone, markadong salapi at isang Armscor 12-gauge shotgun na may tatlong bala.

