Sasakyan iparehistro agad — LTO
Apr 2, 2025
Workshop para sa mga photographers sinimulan na
Apr 2, 2025
Calendar

Provincial
MMSU contingent dumalaw sa Batangas salt farms
Jojo Cesar Magsombol
Feb 27, 2025
59
Views
DUMALAW sa Batangas noong Pebrero 26 ang contingent mula sa Mariano Marcos State University (MMSU) sa Batac, Ilocos Norte para makita ang mga salt farms at pag-aralan ang pagpapalakas ng industriya ng asin sa iba’t-ibang rehiyon sa Pilipinas.
Layunin ng pagdalaw na mapalakas ang kapasidad ng pag-ani ng mga asinan sa bansa, magkaroon ng climate resilient salterns at pagpapalakas at pag-aaral ng mga makabagong pamamaraan at teknolohiya.
Sa pakikipag-ugnayan ng mga kinatawan ng MMSU, kasama si Dr. Rodel Utrera, project staff ng Accelerating Salt Research and Innovation (ASIN)-Project 1 ng Provincial Agriculturist (OPA), nakipagpulong ang delegate sa mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas kasama si Wilfredo Racelis.
SEN. PIA INENDORSO NI GOV. GARCIA
Apr 2, 2025