Calendar
Modernisasyon ng DOT tungo sa digitalization pinapurihan
𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗽𝘂𝗿𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 “𝗕𝘂𝗱𝗼𝘆” 𝗙. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗼𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗸𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗶𝗻𝗶𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱 𝗮𝘁 𝗶𝗸𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 (𝗗𝗢𝗧) 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗺𝗼𝗱𝗲𝗿𝗻𝗶𝘀𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺𝗼 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗱𝗶𝗴𝗶𝘁𝗮𝗹𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻.
Para kay Madrona, ang panibagong innovation na isinusulong ng Tourism Departnent para sa pagpapaunlad ng Philippine tourism ang isa sa mga pamamaraan upang maging moderno ang naturang sektor sa pamamagitan ng digital platform o digitalization.
Paliwanag ni Madrona na kabilang sa digitalization ng DOT ay ang mga serbisyo, programa at mga imprastraktura na pinangangasiwaan ng ahensiya tungo sa mas lalo pang pagpapaunlad ng turismo ng Pilipinas.
Ayon sa kongresista, napaka-importante na makapag-isip at makapag-balangkas ng mga makabagong pamamaraan upang mas lalo pang mapaganda at mapalago ang sektor ng turismo hindi lamang sa promotion nito kundi sa pamamagitan ng modernisasyon.
Sabi pa ni Madrona na nakahanay sa 7-point agenda ng National Tourism Development Plan 2023-2028 ng DOT ang digital transformation ng mga karanasan sa paglakakbay sa ika-21 siglo.
Nauna rito, tiniyak ng Tourism Department-National Capitol Region (DOT-NCR) na gumagawa ang ahensiya ng isang hakbang patungo sa digitalization age.