Calendar
Momo pinayuhan traffic enforcers na magpakita ng magandang halimbawa
π£ππ‘ππ¬π¨πππ‘ ni Surigao del Sur 1st District Representative Romeo S. Momo, Sr. ang mga traffic enforcers na magpakita ng magandang halimbawa sa mga motorista upang mapanatili nila ang kanilang kredibilidad.
Ang ibinigay na payo ni Momo, Chairman ng House Committee on Public Works, ay kaugnay sa viral video ng isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakuhanan sa gitna ng pedestrian lane sakay ng kaniyang motorsiklo para mag-U-turn gayong ito ay ipinagbabawal.
Dahil dito, sinabi ng kongresista na para mapanatili ang kredibilidad ng mga traffic enforcers partikular na ang MMDA at hindi mawala ang respeto sa kanila ng taongbayan, kailangan umanong magbigay sila ng magandang halimbawa.
Pagbibigay diin ni Momo na wala ng maniniwala at susunod sa MMDA kung sila mismo ang unang lumalabag sa batas trapiko na ipinapatupad nila.
Iminungkahi rin ni Momo sa pamunuan ng MMDA na patawan ng nararapat na kaparusahan ang nabanggit na traffic enforcer upang hindi na ito pamarisan at makita rin ng publiko na hindi nila kinukunsinte ang mga maling gawain ng kanilang mga tauhan.

