Magsino

Magsino nakikidalamhati sa pagpanaw ni Rep. Acop

Mar Rodriguez Dec 22, 2025
247 Views

π—‘π—”π—šπ—£π—”π—”π—•π—’π—§ din ng kaniyang pakikidalamhati si dating OFW Party List Representative Marissa “Del Mar” P. Magsino para sa pamilya at mahal sa buhay ni yumaong Antipolo City 2nd District Representative Romeo Acop na nakasama nito sa Kamara de Representantes noong 19th Congress.

Sinabi ni Magsino na labis nitong ikinalulungkot ang pagpanaw ni Acop na nakatrabaho nito sa Kamara noong nakalipas na 19th Congress kung saan ito ay inilarawan niya bilang tunay na “statesman”, dedicated sa kaniyang trabaho at may prinsipyo.

“I am saddened by the passing of my former colleague Cong. Romy Acop. I offer my prayers and condolences to his family and loved ones,” ani Magsino.

Ipinahayag pa ni Magsino na bilang dating Police General at mambabatas. Katangi-tangi ang paglilingkod ni Acop sapagkat hindi kayang tumbasan at tawaran ang ibinigay nitong kontribusyon sa larangan ng public service.

Ayon sa kaniya, nakita ang talas at husay ni Acop sa kasagsagan ng imbestigasyon ng House Quad Committee kung saan napakatalas umano ang kaniyang pagtatanong sa mga resources person.