Momo

Momo umapela sa publiko na wag magbigay ng espekulasyon sa pagkamatay ni Cabral

Mar Rodriguez Dec 22, 2025
247 Views

Momo1Momo2π—¨π— π—”π—”π—£π—˜π—Ÿπ—” sa publiko ang Chairman ng House Committee on Public Works na si Surigao del Sur 1st District Representative Romeo S. Momo, Sr. na tantanan ang pagbibigay ng mga maling espekulasyon at intriga kaugnay sa pagkamatay ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral.

Para kay Momo, dapat hintayin na lamang ang magiging resulta ng autopsy kay Cabral sa halip na magbigay ng espekulasyon at agam-agam patungkol sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng naturang dating opisyal ng DPWH.

Kasabay nito, nananawagan din ang kongresista sa mamamayan na hayaan ang pamilya ni Cabral na makapag-luksa bunsod ng pagpanaw nito sa halip na magbigay ng mga walang basehang haka-haka na hindi makakatulong sa pamilya ni Cabral.

Sabi pa ni Momo na bagama’t malikot ang pag-iisip ng publiko sa pangyayaring ito. Subalit ang apela ng mambabatas ay hayaan na lamang ang mga imbestigador na gawin ang kanilang trabaho sa pamamagitan ng pagsasagawa ng masusing pagsisiyasat sa totoong pangyayari.

Samantala, inihayag ni Momo na naging matagumpay ang ginanap na turn-over ceremony para sa completion ng kaniyang infrastructure project sa kanilang lalawigan.

Sabi ng mambabatas na malaki ang maitutulong ng kaniyang proyektong “seawall” sa Barangay Balibadon para maibsan ang matinding pagbaha sa nasabing lugar kung saan napakaraming residente ang naaapektuhan.