MMDA

Motorcycle Riding Academy bubuksan ng MMDA

140 Views

BUBUKSAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Motorcycle Riding Academy sa Setyembre 27.

Layunin ng Academy, na magbigay ng theoretical at practical na pagsasanay sa pagmamaneho ng motorsiklo gayundin ang basic emergency response training.

“The Academy aims to provide riders with basic training on handling motorcycles, road courtesy and discipline, and following traffic rules,’ sabi ng MMDA.

Ayon sa MMDA Metro Manila Accident Reporting and Analysis System (MMARAS) noong 2018 ay 224 motorcycle rider ang nasawi. Ito ay 38% ng 590 na nasawi sa aksidente sa kalsada sa National Capital Region sa naturang taon.

Noong 2020 ay 253 ang mga rider na nasawi at 295 naman noong 2021.

Nagbigay naman sa MMDA si Sen. Sonny Angara ng 10 motorsiklo.

“I would like to extend my earnest gratitude to Sen. Angara for his generous donation to the agency,” sabi ni MMDA acting chairman Atty. Don Artes sa isinagawang turnover ceremony.

Nangako naman si Angara na ipagpapatuloy ang pagtulong sa MMDA.