Calendar

Motovlogger sa Zambales road rage isinuko lisensiya
SA utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na palakasin ang disiplina sa kalsada, nakumpiska ng Land Transportation Office (LTO) sa ilalim ng patnubay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, ang lisensya ng isang babaeng motovlogger na sangkot sa isang viral na insidente ng road rage sa Zambales.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, isinuko ni Yanna Motovlog ang kanyang lisensya sa pagmamaneho noong Mayo 8, 2025, sa Intelligence and Investigation Division Chief Renante Melitante.
Nauna nang hiniling ng LTO na isuko ni Yanna Motovlog ang kanyang lisensya matapos ipataw ang 90-araw na preventive suspension order**.
Sa ikalawang pagdinig noong Huwebes, sinabi ni Melitante na hindi nakasunod si Yanna sa utos ng LTO na dalhin ang motorsiklong ginamit niya sa insidente.
Natuklasan ng LTO na ang naturang motorsiklo ay hindi nakarehistro sa motovlogger. Sa pamamagitan ng kanyang legal counsel, inamin niyang ito ay pag-aari ng isang kaibigan.
Ayon kay Melitante, ipatatawag nila ang rehistradong may-ari ng motorsiklo upang dalhin ito sa susunod na nakatakdang pagdinig.
Sinabi naman ni Asec. Mendoza na ang kasalukuyang imbestigasyon kaugnay kay Yanna Motovlogay dapat magsilbing babala sa ibang motorista upang maging mahinahon sa kalsada.