Mowelfund

MOWELFUND, self sufficient na at hindi umaasa sa MMFF

201 Views

AYON sa bagong presidente ng Movie Workers Welfare Foundation, Inc o MOWELFUND na si Rez Cortez, financially self-sufficient na ngayon ang institution. Wala kasing dumarating na funding mula sa Metro Manila Development Authority na isa sa tumutulong dito. Walang income mula sa Metro Manila Film Festival dahil sa pandemic at bahagi ng proceeds mula sa naturang film festuval ay napupunta sa welfare fund na ito para sa movie workers.

Gayunman, nanatiling sandigan ng film workers ang Mowelfund. May iba pang funding na nanggagaling mula sa institutional benefactors at gumagawa rin sila ng solicitation mula sa corporate at government entities.

Dahil sa outsourcing of funds, na-sustain ng Mowelfund ang responsibilidad sa mga member para sa kanilang medical, health, housing, training and livelihood programs. Tuloy rin ang film workshops, film festivals and other film education based endeavors. Ayon kay president Rez, “Fundraisers mula sa most traditional to the most creative to out-of-the-box enterprises became de rigueur to keep the foundation afloat.”

Noong 2018, pagkatapos ng 6 years of due diligence and negotiations, pumirma ang Mowelfund Board ng joint development contract with Victor Consunji Development Corporation (VCDC) that afforded the foundation a new 6-story building.

Ang bagong gusali ng foundation ay nagtataglay ng state-of-the-art prodution facilities. Kasama rin dito ang 54-seater theater, na ipinangalan sa late, revered director Of photography (DOP) na si Conrado “Dengcar” Baltazar.

Ang bagong Mowelfund Center ay sama-samang effort ng Board na binubuo ni Founding Chairman Joseph Ejercito Estrada, Chairman Boots Anson Roa Rodrigo, Vice Chairman Gina Alajar. President Res Cortez, Vice President Julius Topacio and Trustees Jaime “Jim” Baltazar and Direk Edgardo “Boy” Vinarao.

Noong 1979, itinatag ang Mowelfund Film Institute para to provide subsidized film education benefits to Mowelfund beneficiaries and the public at large.–NOEL ASINAS