Arrestado

MPD hinuli bgy chief sa pagpapaputok ng armas sa clearing ops

Jon-jon Reyes Jul 12, 2025
404 Views

INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang barangay chairman matapos umanong magpaputok ng baril habang nasa kasagsagan ng clearing operation sa Amethys St., Brgy. 122, Tondo, Maynila nitong Sabado.

Nakilala ang punong barangay na si Rodel.

Nangyari ang insidente bandang alas-10:00 ng umaga habang abala ang mga tauhan ng Barangay 122 sa clearing operation.

Nagkaroon ng kumosyon kaugnay sa pagpapa-alis ng mga nakahambalang na mga lona sa lugar na nauwi sa kaguluhan kung saan binunot ng suspek ang kanyang baril at nagpaputok ng ilang beses sa lupa.

Rumesponde sina PSSg Manuelito Matrimonio at PSSG Norman Vincent Arquiza na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Narekober sa suspek ang cal. 45 na kargado ng tatlong ammunitions.