MPD Kinakausap ni NCRPO chief P/Brig. Gen. Anthony Aberin (gitna) si MPD Director P/Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay kaugnay sa mga accomplishments ng Maynila sa pagsugpo sa krimen. Kuha ni JonJon Reyes

MPD nasabat 46 drug suspek, P5.4M kush at ecstasy sa pinaigting na NCRPO kampanya vs krimen, droga

Jon-jon Reyes Dec 1, 2024
45 Views

APATNAPU’T-anim na drug suspek, 361.69 na gramo ng shabu, 11 gramo ng marijuana, 45 na gramo ng kush at 1,631 na gramo ng ecstacy na may tinatayang halagang P5,494,252 ang nasabat ng mga pulis ng Manila Police District (MPD) hanggang Nob. 30.

Resulta ito ng pinaigting na operasyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) laban sa kriminalidad at iligal na droga.

Bukod pa rito, may kabuuang P22,754 na taya ang nakumpiska mula sa mga ilegal na pagsusugal na kinasasangkutan ng 107 suspek.

Labing-limang baril ang nasamsam mula sa 15 naarestong suspek sa mga operasyon laban sa loose firearms.

Sa implementasyon ng mga city ordinances, 1,296 ang nahuling lumabag sa iba’t-ibang ordinansa at 164 ang nasampahan ng kaso at nakaipon ng P169,000 multa.

Ayon kay P/Brig. Gen Arnold Thomas Ibay, hepe ng MPD, “Ang distrito ng pulisya ng Maynila nakatuon sa istriktong pagpupulis upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng publiko.”

Nagpasalamat ang bagong hepe ng NCRPO na si P/Brig. Gen. Anthony Aberin sa mga operatiba ng MPD.

“Maaasahan ng publiko na ang NCRPO maglulunsad ng isang agresibo, walang humpay at mataas na analytical na kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot,” sabi ng heneral.