Ibay Si MPD Director Police Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay habang nagbibigay pahayag kaugnay sa resulta ng police operations sa siyudad. Kuha ni JonJon Reyes

MPD nshuli 43 suspek na tulak Sept. 8-14

Jon-jon Reyes Sep 16, 2024
87 Views

APATNAPU’T-tatlong suspek sa pagtutulak ng iligal na droga ang nalambat ng mga pulis ng Manila Police District (MPD) mula Setyembre 8 hanggang 14.

Sa mga natiklong ito, 361.01 gramo ng shabu, 19 gramo ng marijuana at 1 gramo ng kush na may halagang P2,458,730 ang nasamsam ng mga pulis.

Bukod pa rito, may kabuuang P23,925 na taya sa iba’t-ibang iligal na sugal ang nasamsam at 99 na suspek ang nahuli.

Umaabot sa 95 na wanted persons ang naaresto at naka rekober ng 24 na baril mula sa 22 indibidwal na mga naarestong suspek na nag-iingat ng loose firearms.

Inihayag ni MPD chief P/Brig. Gen Arnold Thomas Ibay na 1,523 na lumabag sa iba’t-ibang ordinansa ang naaresto sa Maynila, 230 katao ang nasampahan ng kaso at may kabuuang multa na P208,500 ang nakuha.

“Matatag ang aming kampanya laban sa kriminalidad upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at kaayusan ng mga batang Maynila,” sabi ni P/Brig. Gen. Ibay.