MPD Pinulong ni P/Col. Orlando Mirando Jr. ang kanyang mga tauhan bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong Pepito. Kuha ni JonJon Reyes

MPD pulis handa na sa pananalasa ng bagyong Pepito

Jon-jon Reyes Nov 17, 2024
50 Views

PINULONG ng matataas na opisyal ng Manila Police District Mobile Force Battalion (MPD-MFB) ang mga pulis para maging handa para sa posibleng pananalasa ng bagyong Pepito.

Sinabi ni Col. Orlando Mirando Jr., hepe ng MPD-MFB, na naka prepare ang mga pulis sakaling lumakas ang hangin na may kasamang ulan.

Nakaantabay ang mga pulis sa posibleng pag rescue sa mga tao na nasa laylayan ng Ilog Pasig, Sta. Mesa, Isla Puting Bato at maging sa Port Area sa Baseco.

Kailangang nakahanda na rin ang mga kagamitan laban sa bagyong Pepito, ayon sa mga opisyal ng pulis.

Sinabi ni MPD director P/Brig. Gen Arnold Thomas Ibay na naka-antabay sila sa anumang sakuna at bitbit ang mga gamit na pwedeng gamitin sa pag rescue.

Naka deploy na rin ang ibang pulis sa mga tabing dagat, evacuation centers at maging sa mga lansangan.