Calendar
MPDA sasailalim sa OP
SASAILALIM sa Office of the President (OP) ang Metro Bataan Development Authority (MBDA) matapos aprubahan ng House of Representatives at Senado, ayon kay Bataan Gov. Joet Garcia.
“Inaprubahan na po ng Senado sa ikatlong pagbasa ang panukalang batas na naglalayong ma-institutionalize ang ating MBDA na inihain nina Congressman Abet Garcia, Congresswoman Gila Garcia at Party list Congressman Jett Nisay,” dagdag ng gobernador
Sinabi sa media ni Gov Garcia na ang MBDA Act sinuportahan nina Sen. JV Ejercito at Sen. Francis Tolentino upang matupad ang layuning pabilisin at maipagpatuloy ang panlipunan at pang-ekonomiyang pag-unlad sa bawat lokal na pamahalaan at mga komunidad sa buong Bataan.
“Sa pagkakapasa ng MBDA Act, abot-kamay na po natin ang katuparan ng ating mga pangarap para sa pagpapatatag ng bawat pamilyang Bataeno,” dagdag pa ng governor.
Dahil sa pagkakapasa sa Kongreso, ang MBDA matatawag na national government agency at ang mga personnel nito magiging under na ng Malakanyang gaya ng Freeport Area of Bataan, ani Gov. Garcia.