Foreign currency na hindi idineklara nasabat sa NAIA
Feb 27, 2025
Mas mahigpit na seguridad ipapatupad sa Malacanang
Feb 27, 2025
Good girl na may attitude
Feb 27, 2025
Calendar

Metro
MRT-3 may libreng sakay para sa solo parent Abril 20
Peoples Taliba Editor
Apr 20, 2024
156
Views
BILANG pagdiriwang ng Solo Parents’ Day, magbibigay ng libreng sakay ang Metro Rail Transit- 3 (MRT-3) para sa mga single parent Abril 20.
Ipapatupad ang libreng sakay sa peak hours ng operasyon ng linya o mula 7 ng umaga hanggang 9 ng umaga at 5 ng hapon hanggang 7 ng gabi.
“Saludo po ang MRT-3 sa lahat ng solo parents na ubos-lakas na nagsasakripisyo upang maitaguyod ang kanilang mga anak. Hangad po namin na sa aming libreng sakay ay mapasaya namin sila sa kanilang espesyal na araw,” ani Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino.
Kinakailangan lamang magpakita ng valid solo parent’s ID sa stations personnel upang makakuha ng libreng sakay.
Foreign currency na hindi idineklara nasabat sa NAIA
Feb 27, 2025
Tsino, 14, na kinidnap, nasagip ng PNP sa Paranaque
Feb 26, 2025
Lolo, lola lumahok sa Kasalang Bayan sa Pasay
Feb 26, 2025
NBI nasamsam P121M pekeng LV bag sa Cavite
Feb 26, 2025