MSC

MSC inatasang maghanda para sa Palarong Pambansa

Edd Reyes Feb 16, 2025
30 Views

INATASAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang Manila Sports Council (MSC) na pangunahan ang paghahanda sa Palarong Pambansa ngayong 2025 kasabay ng pagbati sa kaarawan ni Olympian double medalist Carlos Edriel Yulo.

Ayon sa alkalde, dapat humiling ng karagdagang kaalaman ang MSC kina Yulo at EJ Obiena, sa kanilang coaches at maging sa National Sports Associations at konsultahin din ang Manila Division of City Schools, ang Manila Health Department, City Social Welfare Department at Barangay Bureau para sa paghahanda.

Inatasan din ng alkalde ang MSC na mag-tagubilin sa chambers of commerce, mga kolehiyo at unibersidad na tulungan sila sa paghahanda sa darating na palaro habang sila rin ang naatasang mag-prepara sa unang Carlos Yulo Day sa Agosto 4, 2025.

“Our goal is to produce more Olympians and national athletes like Caloy Yulo and EJ Obiena. Daig ng maagap ang masipag, kaya ngayon pa lang dapat may mga paghahanda na,” pahayag ni Lacuna.