BBM

Mula P50K ginawang P150K ni PBBM ayuda sa mga Pinoy sa Lebanon

Chona Yu Aug 19, 2024
66 Views

PINADAGDAGAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. ang ayudang finanncial ng gobyerno sa mga Filipino na uuwi mula Lebanon.

Sa ambush interview sa Malakanyang, sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na mula sa P50,000, ginawang P150,0000 ito ni Pangulong Marcos.

Sa naturang halaga, P75,000 ang galing sa Department of Migrant Workers habang ang P75,000 mula sa Overseas Workers Welfare Administration.

Ayon kay Cacdac, documented o undocumented man ang uuwing Filipino bibigyan sila ng tulong ng gobyerno.

May hiwalay na tulong din ang Department of Health, Department of Foreign Affairs, Department of Social Welfare and Development, Department of Agriculture, Department of Tourism at Technical Education and Skills Development Authority.

Ayon kay Cacdac, may 100 na Filipino pa ang nasa southern Lebanon na binabantayan ngayon ng embahada ng Pilipinas.

“We are bringing them to say shelter and speaking of shelter, we have a shelter for them. And of course, may crisis plan tayo.

We are all set. We’re already prepared in terms of our crisis management plans, hopefully the situation doesn’t get worse, and if does get worse, we are ready,” pahayag ni Cacdac.

Ongoing na ang repatriation ng mga OFWs sa Lebanon.

Nabatid na noong nakaraang weekend, 15 Filipino mula Lebanon ang dumating sa bansa at nasa 45 ang darating sa bansa sa mga susunod na araw.

Itinaas ng DFA sa Alert Level 3 ang sitwasyon sa Lebanon dahil sa ginawang pag-atake ng Israel. Sa ngayon, pinag-uusapan na ng DFA kung itataas pa sa Alert Level 4.

Nasa mahigit 11,360 pa ang mga Filipino sa Lebanon at karamihan nasa Beirut.