DFA

Muslim Filipino na lalahok sa hajj pilgrimage sa Saudi Arabia may courtesy lane

335 Views

INANUNSYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) na bubuksan nito ang courtesy lane sa pagproseso ng pasaporte para sa mga Muslim Filipino na nais dumalo sa hajj pilgrimage sa Saudi Arabia ngayong taon.

Bukas umano ang mga courtesy lane para sa mga walk-in mula Mayo 23 hanggang Hunyo 3.

Para magamit ang courtesy lane, kailangang magpakita ng certificate ng Muslim Filipino tribal membership (CTM) na ibinigay ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).

Dapat umano ay nakasaad sa CTM na ibinigay ito ng NCMF para sa hajj visa application.

Dapat din umano ay kompleto ang documentary requirement ng nag-aaplay.