Gun Ban

Naaresto sa gun ban pumalo sa 971

Zaida Delos Reyes Feb 17, 2025
22 Views

PUMALO na sa 971 katao ang naaresto sa pagpapatupad ng gun ban makaraang umarangkada ang election period noong January 12.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief, PCol. Randulf Tuano.

Aniya, 88 sa mga nadakip ay mula February 11 na simula ng kampanya para sa national candidates hanggang katapusan.

Sa mga naaresto, 106 ang naaresto sa Comelec checkpoints , 417 sa police responses, 149 sa anti-illegal drug operations, 53 sa gun buy-bust operations at 246 sa iba pang law enforcement operations.

Aabot din a 961 firearms ang nakumpiska sa iba’t ibang police operations kung saan 92 ay mula sa checkpoints, 418 sa anti-illegal drug operations; 53 sa gun buy-bust operations; 263 sa iba pang law enforcement operations.

Muli namang nanawagan ang PNP sa publiko na isuko ang baril na hindi dokumentado upang upang makaiwas sa kaso.

Samantala, sinabi ni Tuano na mahigpit ang ugnayan ng PNP sa Commission on Electtions hinggil naman sa Revitalized Oplan Katok malamang aniya na magkakasundo rin sa mga babaguhing probisyon.