Nag-bomb joke sa MRT, lalaki kalaboso

119 Views

ISANG lalaki ang inaresto ng mga security personnel ng Metro Rail Transit 3 dahil sa bomb joke.

Nakapila umano ang lalaki sa baggage inspection area ng MRT Shaw Boulevard station alas-7 ng gabi ng mag-bomb joke ito.

Ang lalaki ay dinala ng mga tauhan ng MRT-3 sa Wack Wack Police Station, Substation 3 at sumailalim na sa preliminary investigation ng Mandaluyong City Prosecutor’s Office.

Nakakulong ang lalaki sa Mandaluyong City Police Station Headquarters Detention Cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1727 o ang “Anti-Bomb Joke Law.”

Muling umapela ang MRT-3 sa publiko na huwag mag-bomb joke o mag-false bomb threat dahil itinuturing itong seryosong krimen.