Vergeiri

Nag-expire na COVID-19 vaccine papalitan ng COVAX facility

111 Views

PAPALITAN umano ng COVAX facility ang mga nag-expire na bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Department of Health (DOH) officer in charge Ma. Rosario Vergeire kasama sa papalitan ng COVAX facility ang mga nag-expire na bakuna na binili ng pribadong sektor.

“We had an agreement with the COVAX facility, that these will all be replaced… Even those that have expired from the private sector and the local government units, the vaccines, papalitan po ng COVAX facility,” sabi ni Vergeire sa isang press briefing.

Pero ipadadala umano ng COVAX facility ang mga kapalit ng nag-expire kung naubos na ang suplay ng COVID-19 vaccine sa mga warehouse ng bansa.

Ang COVAX facility ay isang inisyatiba ng mga mayayamang bansa upang mabigyan ng bakuna laban sa COVID-19 ang mga mahihirap na bansa.