Calendar
Nag-iisang mananaya mula MM nanalo ng P314M sa Ultra Lotto draw
ISANG mananaya mula Metro Manila ang naging instant milyonaryo matapos mapanalunan ang jackpot prize na higit P314 milyon sa 6/58 Ultra Lotto sa draw nitong Linggo ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang nanalo ay tumaya sa SM Megamall sa Mandaluyong City gamit ang winning combination na 36-46-16-19-23-27.
Ang kabuuang jackpot prize ay umabot sa P314,591,292.80.
May isang taon ang nanalo upang kunin ang premyo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City. Kailangang dalhin ang winning ticket at dalawang valid ID bilang patunay.
Ang mga napanalunang halaga na higit sa P10,000 ay papatawan ng 20 porsiyentong buwis.
Ayon sa PCSO, ang mga premyo na hindi makukuha sa loob ng isang taon ay mawawala na sa bisa.
Samantala, 22 iba pang mananaya ang nanalo ng tig-P120,000 bawat isa dahil nahulaan nila ang lima sa anim na tamang numero.
Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.
Hinimok ng PCSO ang publiko na tangkilikin ang mga laro nito dahil malaking bahagi ng kita nito ay napupunta sa mga charity program ng gobyerno.