Calendar
![Arestado](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/Arestado-1.jpg)
Nagbantang papatay, arestado sa Navotas
DAHIL sa pagbabanta na papatayin ang kanyang biktima, tiklo sa mga pulis ang hinihinalang gumagamit ng ilegal na droga na dispatcher noong Sabado sa Navotas City.
Bumunot ng patalim ang suspek na si alyas Emmanuel, 37, at akmaang uundayan ng saksak ang biktimang si alyas Noli na mabilis na nakaeskerda para humingi ng tulong.
Nagkataong nagpapatrulya sa malapit sa lugar ang mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na nahingan ng tulong ng biktima na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Nang kapkapan, nakuha kay alyas Emmanuel ang isang siyam na pulgadang patalim at 4.71 na gramo ng shabu na may halagang P32,028.
Mahaharap sa mga kasong grave threat at paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act) ang suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office.