Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Calendar
Metro
Lalaking may boga nag-siga, timbog
Edd Reyes
Feb 9, 2025
632
Views
SWAK sa kulungan ang 42-anyos na lalaki dahil sa pag-astang siga habang nagyayabang ng baril noong Sabado sa Caloocan City.
Naabutan pa ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals si alyas Robert habang nanggugulo sa Robes-1 na may bitbit na baril na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.
Nakumpiska sa suspek ang hindi lisensyadong kalibre .38 revolver at tatlong bala.
Mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) na may kaugnayan sa Batas Pambansa 881 (Omnibus Election Code of the Philippines) at alarm and scandal ang suspek.
Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
8-anyos na batang lalaki na-hit and run sa Taguig
Oct 31, 2026

