Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Nagbenta ng marijuana, nasakote

267 Views

ARESTADO ang magkasintahan matapos umanong mahuli sa akto na nagbebenta ng marijuana leaves na nagkakahalaga ng P144,000 sa isang buy bust sa Quezon City.

Ayon sa Payatas Bagong Silangan Police Station sa pamumuno ni PLt. Col. Rolando Baula, nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng report ang mga pulis tungkol sa pagkakasangkot ng magkasintahan sa mga gawaing may kaugnayan sa ipinagbabawal na droga.

Nahuli ang dalawa dakong alas-8:20 ng umaga sa San Pedro St., Payatas A, Quezon City.

Nasamsam mula sa mga suspek ang 1.2 kilograms ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng P144,000, isang cellphone, isang Watson paper bag, Mirage na kotse sasakyan at ang perang ginamit sa transaksyon.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.