Calendar
Metro
Niratrat ng RIT nakaligtas
Melnie Ragasa Jimena
Mar 9, 2025
589
Views
HIMALANG nakaligtas ang isang Taiwanese sa Brgy. Ugong Norte, Quezon City matapos pagbabarilin ng nakatakas na riding-in-tandem (RIT) noong Biyernes.
Pinaghahanap ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang nakamotorsiklong suspek, ayon sa report.
Sa report ng QCPD, nakaligtas sa ambush ang biktimang si Leon Chang, 56, ng Brgy. Greenhills, San Juan City.
Nangyari ang insidente bandang alas-5:45 ng umaga sa U-turn slot sa harap ng MMDA-MPCG Ortigas Base sa EDSA northbound, Brgy. Ugong Norte, Quezon City.
Sa pahayag ng biktima, minamaneho niya ang kanyang Mitsubishi patungong Farmers Cubao nang mag-overtake ang isang motorsiklo sakay ang dalawang lalaki.
Doon na siya pinaputukan ng sunud-sunod ng RIT.
1,000 Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026
1,000 pamilyang Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026

