Naghigpit sa QC; parak walang nahuli

433 Views

PINAIGTING ng Quezon City Police District (QCPD) ang kampanya nila kontra-krimen sa “Oplan Galugad” na ii-impose sa boundary ng Fairmont Subdivision at North Fairview noong Biyernes pero wala namang nahuling suspek sa anumang krimen.

Ayon kay QCPD district director P/Col. Randy Glenn Silvio, isinagawa ang Oplan Galugad mula alas-11:00 ng gabi ng Disyembre 5 hanggang alas-1:00 ng madaling araw ng Disyembre 6 sa loob ng Fairmont Subdivision, Brgy. North Fairview, Quezon City bilang tugon sa mga reklamo ng homeowners’ association.

Ayon sa QCPD, nakatanggap sila ng reklamo mula sa mga residente kaugnay ng umano’y paninirahan nang walang pahintulot, pananakit at pagbabanta mula sa ilang informal settlers sa lugar.

Idineploy ang mahigit pitong police teams at 160 police personnel upang magsagawa ng inspeksiyon at palakasin ang police visibility sa lugar.

Giit niya, sa pagpasok ng mga informal settlers sa mga subdivision ay malaki ang posibilidad na makompromiso ang kaligtasan ng mga residente doon.

“Yung safety nila parang na-compromise kaya pinag-aaralan natin, sinubukan natin mag-Oplan Galugad para mabigyan natin ng confidence yung community,” dagdag ng QCPD chief.

Posible namang natunugan ng mga pumasok na informal settler kaya walang nadakip at naging mapayapa ang isinagawang operasyon ng pulisya.