Rider Nakabulagta ang biktimang rider matapos maaksidente sa President Quirino Avenue, Malate, Manila.

Nagmomotor gumewang, humampas sa island, patay

Jon-jon Reyes Jun 13, 2025
21 Views

TIGOK ang 26-anyos na babaeng rider matapos sumemplang sa President Quirino highway at Paz St. sa Paco, Manila noong June 12.

Nakilala ang biktima na si alyas Ralph Rino.

Sa ulat ni Police Executive Master Sergeant Jun Jun Jasminez, OIC ng Vehicular Traffic Investigation Section na pinangasiwaan ni Police Major Jaime Gonzales Jr., hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-3:18 ng umaga nang aksidenteng humampas sa kongkretong semento ang biktima matapos mawalan ng balanse sa naturang lugar.

Ayon sa report ni Police Staff Sergeant Genesis Flagne, may hawak ng kaso, lulan ng Honda ADV ang biktima habang binabaybay ang southbound lane ng biglang nagpagewang- gewang at humampas sa center island.

Dahil sa lakas ng impact, napuruhan ang rider na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.