Calendar
Nagpakilalang abogada inaresto
KALABOSO ang inabot ng 24-anyos na impostor na abogada ng mabuking ng kliyente na wala ang pangalan niya sa roster ng mga abogado ng Korte Suprema noong Miyerkules sa Taguig City.
Nakapaningil na ng P25,000 acceptance at legal fees ang suspek na si alyas Lauraine sa 24-anyos niyang kliyente kapalit ng pagtatanggol sa nakapiit na kaanak ng biktima sa Makati City Jail nang maisipan ng kliyente na hanapin ang pangalan ng nagpakilalang abogada sa roster of lawyers ng Korte Suprema.
Kalaunan ay inamin ng suspek na hindi siya miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ng walang maipakitang lisensiya o ID bilang abogado kaya ipinahuli ng kanyang kliyente sa mga tauhan ni Taguig police chief P/Col. Julius Anonuevo.
Sa ulat kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco, nangyari ang pakikipag-transaksyon ng suspek sa biktima malapit sa Makati City Jail sa Brgy. Post Proper Northside kung saan nakadetine ang kaanak ng biktima.
Kinumpiska ng mga pulis sa suspek ang isang P1,000 at 98 piraso ng tig-P500 na bahagi ng ibinayad ng biktima pati ang kanyang national ID at MacBook Neo na gagamitin bilang ebidensiya sa pagsasampa ng kasong usurpation of authority at Swindling sa Taguig City Prosecutor’s Office.
