Calendar
Nagpaputok na parak tiklo sa kapwa parak
Arestado ang isang pulis noong Sabado dahil sa pagpapaputok ng baril at nakatakas ang kasama niya sa Pulilan, Bulacan.
Nakilala ang suspek na si alyas Ton, 31, miyembro ng Plaridel police habang nakatakas naman ang kasama niyang si alyas Ber, ayon sa report kay Police Regional Office (PRO)-3 director B/Gen. Jean Fajardo.
Ayon sa Pulilan police, isang lalaki ang inireport sa kanila na nagpaputok ng baril sa Tabing Ilog Resort sa Brgy. Lumbac.
Nagtungo ang mga rumespondeng miyembro ng Pulilan police sa lugar at inaresto ang suspek at narekober ang .9mm pistol, isang magazine at 12 bala sa sasakyan ng suspek.
Sasampahan ng kasong illegal discharge of firearm, alarm and scandal at paglabag sa Omnibus Election Code ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng Bulacan Provincial Forensic Unit.