COE

Nagparehistrong bagong botante halos 2M na

99 Views

HALOS dalawang milyon na ang mga bagong botante na nagparehistro sa Commission of Elections (Comelec) upang makaboto sa May 2025 elections.

Ayon sa Comelec, nasa 1,920,887 bagong botante ang nagparehistro sa buong bansa hanggang noong Abril 8.

Nauna ng sinabi ng Comelec na 3 milyon ang mga bagong botante na kanilang inaasahan na magpaparehistro para sa midterm elections.

Nagsimula ang voter registration para sa darating na halalan noong Pebrero 12 at tatagal hanggang Setyembre 30.

Bukod sa mga tanggapan ng Comelec, maaaring magparehistro sa mga Register Anywhere site na pumupunta sa iba’t ibang lugar.