Rape

Nagtago after manghalay, nasakote

Edd Reyes Jul 28, 2025
191 Views

MATAPOS ang 16 taong pagtatago, nahuli rin ang suspek sa kasong panggagahasa sa Bicol noong Linggo sa Malabon City.

Ikinasa ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Allan Umipig ang pagtugis kay alyas Alarcon, 42, ng makarating sa kanila ang impormasyon na nagtatago sa kanilang lungsod ang pugante.

Dala ng mga tauhan ng Station Intelligence Section ng Malabon police ang warrant of arrest mula kay Ligao City Regional Trial Court (RTC) Acting Presiding Judge Alben C. Rabe ng Branch 12 laban ng tikluin si Alarcon sa Sitio 6, Dumpsite, Brgy. Catmon dakong alas-7:50 ng gabi.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg, Marko Alejo, sa tagal ng pagtatago ng akusado ay nakapaghanap na siya ng trabaho bilang helper at namirmihan ng manirahan sa Brgy. Catmon.

Nakapiit na pansamantala ang akusado sa custodial facility ng Malabon police.